Abante Tonite Interactive

Puwedeng magkatulo kahit walang sex?

0 677

WALANG ECHOS
Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes:

hello po. good evening. may tanong lang po ako. bumabalik po ba ang tulo ng isang tao? kahit hndi nakikipag talik? RAUL

Dear Raul:

Maraming Salamat sa sulat mo. Kahit na mapapasa ng nanay ang tulo sa sanggol sa panganganak, ang tulo (Gonorrhea) ay is halos palaging naha­hawa sa pamamagitan ng sex. Hindi ito mapapasa, halimbawa, sa pamamagitan ng pagpapasuso. Pagsabi ko ng sex, hindi ko lang ibig sabihin ang pagtatalik, pero kasama na rin rito ang oral sex, (fellatio at cunnilingus), anal sex, atbp. Bihirang mahawa ng gonorrhea na walang sex. Kahit na walang pagtagos ng ari ng isa sa ari o bibig o puwet, maaa­ring mahawa pa rin kung ang mga maselang bahagi ng katawan (genitals) ng dalawa ay magtagpuan.

Minsan, nagugulat ang mag-asawa, (o mag partner) dahil kahit na magpagamot ang lalaki, kalaunan magkakaroon na naman siya ng tulo.

Bakit ganun? Dahil sa tinatawag na “pingpong” effect.

Mayroong mga tao na may tulo pero sila ay tinatawag na asymptomatic. Ibig sabihin nito ay kahit na mayroon silang tulo, walang sintomas silang nararamdaman o nakikita. Mas maraming babae kaysa sa lalaki ang may tulo na asymptomatic, pero mayroon ring mga lalaki na ganito ang situwasyon.

Maaring hindi alam ng tao o ng kanyang partner na mayroon siyang tulo.

Ang nangyayari ay ang partner lang na may sintomas ang nagpapagamot. Pero kahit na gamot na siya, kung magtalik na naman siya sa partner niya magkakaroon na naman siya ng tulo. Magpapasahan nalang nila ito na kagaya ng pingpong. Ang maganda d’yan ay pareho silang magpa-test at pareho silang magpagamot at huwag na huwag magsiping hanggang siguradong pareho silang nagamot ng 100%.

Inaasahan ko na natulungan kita, Raul. ­Ingat—MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo at Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Panoorin siya sa Sex Talks with Dr Holmes­ sa streaming app HOOQ. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.