Abante Tonite Interactive

Puwersa ng Lakas-CMD dadami kay Romualdez

0 265

Inaasahan ni House Majority Floor Leader Ferdinand Martin Romualdez na madadagdagan ang mga miyembro ng Lakas Christian-Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Si Romualdez ang presidente ng Lakas-CMD na dating pinakamalakas na partido sa bansa.

Naniniwala si Romualdez na mu-ling lalakas ang kanilang partido ngayong isa na siya sa mga pangunahing lider ng Kamara.

Abante Hiring – IT dep

“We’re always open. And then, siguro hindi naman masama na kung ‘yung presidente ng Lakas ay majority floor leader, siguro may halaga din po iyon,” sabi ni Romualdez.

Sinabi pa nito na malaking bentahe rin na kabilang ang Lakas-CMD sa mga kaalyadong partido ng administrasyong Duterte para makakuha sila ng mga bagong miyembro.

“Nagiging mas attractive po iyon. Of course the political considerations as well, aligned with the administration… kaya malamang siguro makakadagdag din tayo ng numero,” dagdag pa ni Romualdez. (JC C­ahinhinan)