Abante Tonite Interactive

Puwesto ni Castro mahirap punuan

416

Mahirap punan ang puwestong iniwan ni Jayson Castro sa Gilas Pilipinas, pero kaila-ngang pumukpok ng ibang guards pagdating sa 18th FIBA World Cup sa Aug. 31-Sept. 15.

Bago tinawag ni coach Yeng Guiao ang pool ay nag-abiso na si Castro na di na muna siya sasama sa China.

Naiwan sina Mark Barroca, Paul Lee at Robert Bolick para magmando sa playmaking chores na binakante ng The Blur.
Pagpasok ni Barroca sa Gilas ay naroon na si Castro.

“Malaking impact na nawala si Jayson,” ani Barroca sa send-off ng Gilas sa Meralco Multipurpose Hall Miyerkoles nang hapon.

“Kami naman sa guards, mag-connect lang kami. Kung ano ‘yung role namin, gagawin lang ‘yung best namin.”

Si Bolick, masaya nang natawag sa pool. Alam din niyang mahirap akuin ang trabaho ng veteran guard.

“Marami akong natutunan sa kanila (teammates), tuloy ko lang,” aniya.
“‘Di mo naman talaga mapupuno ‘yun, iba si Jayson. Ilabas lang kung ano ‘yung laro namin, then hopefully kaya namin ilaro sa international stage.”
May pahabol pa si Barroca.

“Sabi nga ni coach, ‘di naman kailangan si Superman dito, eh. Basta ibigay lang namin ‘yung best namin. Tignan natin.” (Vladi Eduarte)