Abante Tonite Interactive

Puwet ni Crowder pinalo, Thompson sibak sa laro

505

Maagang umek­sit sa laro kahapon si Cleveland Cavaliers center Tristan Thompson.

Na-eject si Thompson sa natitirang 2:02 oras sa third frame matapos paluin sa puwet habang nasa free throw line ang dumadaan sa harap niyang si Jae Crowder ng Memphis Grizzlies.

Nagulat siyempre si Crowder at bahag­ya silang nagkasagutan bago na lamang pinaghiwalay ng kanilang mga kakampi.

Napituhan ng ikalawang technical foul si Thompson kaya automatic itong na-thrown out sa laro.

Paliwanag ni Thompson, walang ibig sabihin ang kanyang ginawa dahil dati naman niyang kakampi si Crowder.

“It’s a former teammate of mine, Jae Crowder. We have history,” sabi ni Thompson.

“It’s just a little competitive spirit. They might have took it the wrong way, probably because they might have forgot that we were teammates for half a year”

Nagwaig ang Memphis kontra Cleveland, 113-109.