Abante Tonite Interactive

Puwet ni Dominic, NANGANGANIB

By
Dominique Roque
226

IBINUYANGYANG ni Dominic Roque sa pelikulang Seklusyon ang kanyang makinis at maputing wetpaks.

May intense sex scene si Dominic sa pelikula na nakipag-sex siya sa isang girl at nakita sa screen ang puwet niya.

Pero ayon kay Dom, may dalawang cuts ang Seklusyon, isang local at isang international.
May maseselang scenes na matatanggal sa sanitized local version para makakuha sila ng mas maraming audience sa filmfest.

Ipapa-rate pa lang ang movie this week sa MTRCB, na ang wish nila ay makakuha ng PG-13 rating.

Depende pa kung papayagan ng MTRCB ang butt scene na ‘yon ni Dominic.

Base sa napanood niya, mukhang nanganganib na maputol ‘yon ­dahil malala ang ginawa niya sa intense scene na ‘yon.

“Pero ako, okey lang po akong ­mapanood ‘yon ng lahat. Kasi, makinis naman daw po (‘yung puwet ko).

“May audition kasi ‘yung puwet eh, titingnan kung kanino ang pinakaokey na puwet! Hehehe!” tawa ng 26-anyos na Kapamilya hunk.

Bago niya ginawa ‘yon ay tinanong muna ni Dom ang Star Magic at umokey sila dahil hindi siya paba­bayaan ni Direk Erik Matti .

Bench underwear model si Dom, so sexy ang image niya at hindi ­pakyut ­kaya keri niya ito.
Medyo kinabahan siya nu’ng una, tapos ay ang daming takes dahil maraming anggulo.

Maraming ulit niyang ginawa ­kaya pagod na pagod siya at babad ang ­puwet niya.