Abante Tonite Interactive

Puwet ni Enrique pinagselosan ni Jak

1,173

May part 3 na ang hit at kaaliw na You Tube vlog ni Jak Roberto na “Totropahin o Jojowain” kung saan ay nagsasabi siya ng mga pangalan ng aktor sa girlfriend na si Barbie Forteza at papipiliin niya ito kung “jojowain” o “totoropahin” which means “kakaibiganin” lang ba or “gagawing boyfriend.”

Kung sa part 1 ay mga Kapuso actors ang binanggit ni Jak kay Barbie, this time ay mga Kapamilya naman.

Unang binanggit ni Jak si John Lloyd Cruz at sagot agad ni Barbie, “sobrang jojowain.” Sabi ng aktor, “ah, talagang may sobra? Andu’n lang sa totropahin or jojowain”, walang sobra.”

Nakakatawa ‘yung reaksyon ni Jak sa sinabi ni Barbie na si Lloydie raw ang napanindigan talagang maging sought-after leading man na walang abs.
Tila malungkot na sagot ni Jak, “’yung talagang lahat “paano” sa akin, eh. Ito na ‘yun, ito na ‘yung boyfriend mo.”

Sagot naman ni Barbie, “oo nga. Ano bang nangyayari sa ‘yo. Kaya mo pa ba?”

Sa part 1 kasi ay makikitang sa bandang huli ay nagseselos na si Jak sa mga sagot ni Barbie kaya sey nga niya, “di ba, ikaw may gusto nito?”
Pagdating kay Enrique Gil, sabi ni Barbie, “ang ganda ng pwet ni Enrique Gil, that I can say.”

Napasimangot si Jak. “Talagang napapansin mo ‘yun?” sey ng aktor.
Dagdag pa ni Barbie ay magaling din daw sumayaw si Enrique. Pwede raw jowain.

Pagdating kay Joshua Garcia, matagal na nag-isip si Barbie at saka sumagot ng “o sige, jojowain ko ‘yan.”

Seryosong sabi ni Jak, “Talagang inisip mo pa, ha? Ano ‘yung tumakbo sa isip mo? Bakit ganu’n? Parang ang tagal mo inisip.”

Binulong na lang ni Barbie ang sagot.

Nang tanungin ni Barbie, “next?”

Sagot ni Jak, “wala na!”

Hahaha!

In fairness, sobrang kaaliw ang vlog na ‘to nina Jak and Barbie and in 3 parts pa. Ang cute ng mga pagseselos ni Jak at nakakatuwa ang mga banter nila.

Lucy nag-throwback sa LQ, panunuyo ni Goma

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nakakalimutan ni Lucy Torres ‘yung araw na nagpunta si Richard Gomez sa bayan niya sa Ormoc noong dalaga’t binata pa sila.

Actually, marami naman ang nakakaalam ng kwentong ‘yun na during that time, talagang baliw na baliw si Goma sa kanya to the point na dinayo pa talaga siya sa Ormoc just to see her. Eh that time, sikat na sikat ang aktor at may titulong “most eligible bachelor.”

At ilang beses na rin itong ikinuwento ni Lucy sa kanyang Instagram account pero sa tuwing ireretell niya ay may bago siyang anggulo.

Recently ay muli na namang ipinost ni Lucy ang bahagi ng love story nila and this time, may bagong kuwento na that time pala ay wala silang label ni Goma. Uso na pala ‘yun noon.

Nang gabing bago pumunta si Goma sa kanila ay tila nag-away sila sa disco.

“We had not labeled what we were to each other,” simula ni Lucy.
“There was just this magic that was always there when we were together.
But the night before was somewhat…..strange. Off. (I will leave the details to a page of that little book of short stories I will one day write.) Suffice to say that the circumstances of that night (in the disco) was enough for me to tell myself I should maybe not see you (or someone like you) again. My young heart was broken.

“The next day I turned my corner of the room upside down. Just to get you off my mind. And I promised myself I would not take your calls. I was on the floor, sorting through drawers and somewhat drenched in sweat, when I heard a knock on the door. Someone was there to see me the yaya said,” patuloy ni Lucy.

At ‘yun na nga, pagbaba niya ay nandu’n si Goma at tandang-tanda pa ni Lucy pati suot ng aktor that time.

“I went down to the sala. You were there. In khaki shorts and Doc Martens, a white shirt. Wild hair. Strong shoulders. Beautiful eyes. A bunch of wild sunflowers in your hands. You looked at me. And then scooped me in a big embrace.

“I am covered in sweat, was all I could say. You are beautiful, you tell me. Not many words were said after that. You just sat me down on the sofa and held my hands, making those eyes of yours say the words you needed not speak anyway. (After all, we did not even know what we were to each other.)

“I came to see you, I’m glad you’re home. And I stopped by the roadside when I saw these flowers, you said, all in one breath. I looked at the flowers, wrapped in newspaper. They are beautiful, just like you and your eyes, I wanted to tell you. But I was too shy to actually say that,” ang bonggang kuwento ni Lucy na mala-pocket book ang pagkakasulat.

Nang umuwi raw si Goma ay naiwan siyang maghapong iniisip ang binata.
“You then left to catch your flight home. I did not finish sorting through those drawers. And I spent the rest of the day thinking of you, the broken pieces of my heart from the night before finding their way back to each other to mend somehow,” saad pa ni Lucy sa kanyang post.
Kaaliw ang comment ni Ryan Agoncillo. Aniya, “I’m not sure if i want to be goma or you in this story,lahvet.”

Sa comments section ay maraming nagsabing inaabangan na nila ng book na ilalabas ni Lucy tungkol sa love story nila ng asawa.