Abante Tonite Interactive

Puwet ni Marco kumalat sa Twitter

1,877

Masayang nag-celeb­rate ng kanyang 25th birthday si Marco Gumabao nu’ng August 14.

Sa salubong party ni Marco sa Tipsy Pig Timog nu’ng Martes ay nag-perform ang Parokya ni Edgar, na idol pala niya kaya tuwang-tuwa ang birthday boy.

May isa pa siyang party nu’ng mismong birthday niya na dumating ang fami­ly and friends niya, pati ang co-stars niya sa “Los Bastardos”.

May rason na mag-party galore si Marco dahil ang bongga ng career niya ngayon. Bale birthday presentation na rin niya ang launching movie niyang “Just A Stranger” na ipapalabas na next week.

Sobrang yummy ni Marco sa trailer na halos lagi siyang hubad. May eksenang gumigiling-giling siya na mala-macho dancer at meron pang kinakagat niya si Anne.

Tiyak kaiinggitan siya ng mara­ming guys sa movie. Imagine, ang dati niyang crush na si Anne, ngayon ay hindi lang niya kapareha kundi kalaplapan niya pa at ka-love scene sa big screen.

Nag-leak pala sa Twitter ‘yung butt exposure ni Marco sa pelikula, so inamin na niyang siya mismo ang nag-volunteer sa direktor nila na magpapakita siya ng puwet.

Hindi raw siya nahirapang gawin ‘yon atsaka sag­lit lang naman daw ‘yung eksena. Dahil bida siya rito at leading lady niya si Anne ang dahilan ni Marco kaya raw niya ginawa ‘yon.

Excited na kabado ang delicious na binata dahil hindi pa raw niya napapanood ang “Just A Stranger”, mamaya pa lang sa public screening nila sa UP Cine Adarna.

After Anne ay si Sarah Geronimo raw ang gustong sunod na makapareha ng young hunk ng Viva.

Cute ‘yung dayalog ni Marco na wala raw siyang nilalandi o nililigawan at mas maingat na raw siya ngayon kaya wala muna siyang love life.

Sa August 21 ang showing nationwide ng “Just A Stranger”.

Zoren tsinugi ni Snooky

Tsugi na si Zoren Legaspi bilang si Harold, ang ama ng bidang si Bianca Umali sa Kapuso seryeng “Sahaya”.

Lalong nagngitngit ang Kapuso viewers sa walanghiyang karakter ni Snooky Serna na si Salida dahil ito ang bumaril kay Harold.

Gigil na gigil ang fans kay Snooky at sana ito na lang daw ang nabaril o ‘di kaya ay ang salbaheng misis ni Zoren na si Ana Roces.

In fairness ay nagawa pang mag-UK ni Zoren para mag-compete sa PRU RideLondon 2019 at pagbalik niya ay saka lang kinunan ang death scene niya sa “Sahaya”.