Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PVL, PSL aktibo kahit may pandemya

0 72

Matatag at pinatunayan ng Premier Volleyball League (PVL) at Philippine SuperLiga (PSL) na kahit walang team practices at games mula Marso hanggang Disyembre dahil sa Covid-19, naging aktibo ang mga ito sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, home workout/training at sa social media.

Ang mga opisyal ng bawat liga ay kumikilos naman sa mga online at sa zoom meetings.

Nito lang Nobyembre, nag-professional league ang PVL sa tulong Games and Amusement Board (GAB) mula sa matagal na pagiging semi-professional league.

Busy rin ang PSL maski napurnada ang Grand Prix tournament nitong Marso, nakakuha ng go-signal sa Inter-Angecy Task Force (IATF) para sa Beach Volleyball Challenge Cup nitong Nobyembre, pero inurong sa Pebrero dahil sa bagyong Ulysses.

Ilan naman sa mga mga naging aktibo sa pagtulong sa mga mahihirap, nasabugan ng Bulkang Taal sa Cavite, Laguna at Batangas, mga binagyo, nasunugan at namahagi ng aginaldo ay sina PVL stars Michele Gumabao, Nicole Anne Tiamzon at iba pa. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.