Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PWAI pasaklolo sa POC

0 295

Kinalampag ng isang nagmamalasakit sa weightlifting at opisyal din ng Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) ang Philippine Olympic Committee executive board , si POC president Abraham Tolentino, at si POC Membership Committee chairman Bones Floro.

Nananawagan si elected PWAI director at appointed treasurer Felix Tiukinhoy sa POC e na tulungan silang makapag-eleksiyon ng mga bagong opisyal na manunungkulan makaraang huling maghalalan pa noong 2015.

Pinarating ni Tiukinhoy ito sa tatlong pahinang liham kay Tolentino kasabay nang paggiit na ang PWAI pa rin ang National Sports Association (NSA) na may legal personality kahit matagal nang naantala ang electoral congress nito.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Nais ng opisyal na nanunungkulan ding pangulo ng Cebu Weightlifting Association, Inc. (CWAI), appointed vice president at treasurer ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas, Inc. (SWPI) at commissioner ng Cebu Sports Foundation, Inc. (CESAFI), na maayos na ang problema sa PWAI.

Rehistrado ang PWAI sa Securities and Exchange Commission (SEC) na amended noong January 25, 1996. Pero kinansela ng SEC ang registration noong 2003 dahil sa non-compliance at non-payment sa obligasyon nito hanggang sa kasalukuyan.

POC, Cong. Tolentino, Mr. Floro ang inyo pong mga aksyon!

Leave A Reply

Your email address will not be published.