Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PWD binaril ng lasing

0 389

Kalaboso ang isang lalaki matapos nitong paputukan ng baril ang isang lalaking may diperensiya sa pag-iisip dahil sa walang tigil nitong pagsigaw kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Sinampahan ng kasong frustrated murder at R.A. 10591 kilala bilang “comprehensive firearms and ammunition regulation act, ang suspek na si Ariel Sallili, 32, vendor.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-4:30 ng hapon sa lugar ng suspek at biktimang si Johnson Castillo, 54, PWD (mental derange), kapwa taga-Brgy. 103, Tondo, Maynila.

Ayon kay Raniel Jaine, 19, nainis umano ang suspek na noon ay nasa inuman sa ikatlong palapag ng kanyang bahay dahil sa walang tigil na pagsigaw ng biktima na nakatira naman sa roofdeck sa ikatlong palapag.

Nakita ni Jaine ang suspek na may hawak na baril at pinaputukan ang kinaroroonan ng biktima sabay tago umanong baril ng suspek sa kulungan ng manok.

Naaresto naman ang suspek sa follow-up operation ng pulisya at narekober dito ang isang BERSA pistol caliber. 380 with serial no. D70245 at may 14 bala. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.