Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PWD hinoldap na, tsinugi pa ng tropa

0 79

Hinoldap at pinatay ang isang hindi pa nakikilalang lalaking pilay ng kaibigan na sinundo pa niya sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Inilarawan ang person with disability (PWD) na biktima na nasa edad 30-40, putol ang kaliwang paa, may peklat sa kilay, nakaasul na shirt at itim na short.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ika-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Ferndale Ville, Sampaguita St., Mapayapa Village 3, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Nabatid kay PCpl Angel T Pascasio III ng CIDU, umarkila umano ang biktima ng sasakyan na minamaneho ng testigong si Andres, at nagpasundo siya sa Cainta, Rizal upang magpahatid sa QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagdating sa nasabing lugar ay isinakay umano ng biktima ang di kilalang lalaki na armado ng baril at inutusan si Andres na ihatid sila sa Ferndale Ville.

Pagtapat sa Ferndale Ville ay tinutukan at puwersahang kinuha ng suspek ang cellphone nito at ng driver. Bago tumakas ay binaril pa nito ang pilay na katropa.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.