Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PWD promotor sa pot session, 2 kabatak bagsak

0 90

Isang Person With Disability (PWD) na pasimuno ng pot session sa kanilang bahay sa Barangay Prenza, Marilao, Bulacan ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU) sa anti-drug operation kamakalawa.

Sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kinilala ang dinakip na PWD na si Jimmy Dilag. Dinakip din ang dalawa nitong kasamang bumabatak ng droga na sina Mark Anthony Marfil at Cristina Velasco, pawang residente at natimbog sa Barangay Prenza, Marilao.

Nabatid kay P/Lt. Col. Dominador Ignacio, Marilao police chief na pasado alas-11:00 ng gabi noong Martes nang ikasa ng SDEU ang buy-bust operation at target si Dilag na kapwa naputol ang binti at gumagamit ng artificials legs matapos masagasaaan ng truck ilang taon na ang nakakaraan. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.