Abante Tonite Interactive

PWD tinaboy sa Miniso

245

Inireklamo ng isang person with disability (PWD) ang Miniso dahil pinaalis siya sa kanyang wheelchair bago pumasok sa tindahan nito.

“Went to Miniso and was refused entry because I’m a PWD,” sabi ni Getty Torralba,

Sabado, bandang alas-7:00 nang gabi sana siya papasok sa Miniso sa isang mall pero sinabihan siya ng guwardiya nito na iiwan ang kanyang wheelchair.
“Bawal daw ang kahit anong mobility devices kahit wheelchair. FIRST TIME. Discrimination sa mga may kapansanan,” sabi ni Torralba.

Hinanap ng kanyang kasamang si Pauline Torralba ang store manager pero plinastik lang umano sila.

Sabi ni Pauline, humingi ng paumanhin ang store manager na sinisi sa kanilang guwardiya ang problema na patuloy pa ring bumubulong na hindi marunong sumunod sa batas ang mga Pinoy.

Hiningi ng Abante ang panig ng Miniso pero hindi ito nagbigay ng pahayag. (Eileen Mencias)