Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pwede bang hindi tumanda?

0 417

Karamihan sa atin ay ninanais na magmukhang bata. Panatiliin ang kasalukuyang itsura at kung pwede lang itigil ang panahon nang hindi tumanda. Kung tumanda man ay hahanapin pilit ang tinatawag na fountain of youth nang bumalik ang makinis, malasutlang balat, dating lakas at liksi. Ito ang tinatanong ng ating tagasubaybay sa linggong ito. May pagasa pa ba na pigilan ang pagedad nya at pwede bang hindi tumanda?

Hindi natin mapipigilan ang oras, at lalo na hindi ito maibabalik pa. Ngunit maaari naman nating pabagalin ang prosesong ito, lalong lalo na para sa ating balat at kutis. Ang balat ang pinakamalaking organo dahil ito ang bumabalot sa buong katawan natin. Isang malaki at malawak na proteksyon ang ibinibigay nito laban sa mga sakit at sugat na dala ng paligid ng katawan natin. Ngunit gaya ng ibang mga organo natin, kailangan din itong protektahan upang tayo ay maging komportable, mabilis ang paghilom ng sugat, madalang magkasakit, maiwasan ang kanser, at mapanatiling maganda ang anyo natin.

Maari natin gawin ang mga sumusunad nang hindi tayo agad agad magmukhang matanda. 1. Protektahan natin ang ating balat sa araw. Totoong kailangan nating magpaaraw para mas gumanda ang absorption ng vitamin D sa ating katawan para sa Calcium metabolism, ngunit panandalian lamang. Kung tayo ay lalabas sa arawan, lalong lalo na kung magbababad dito, kailangan natin ng sunscreen. 2. Kumain ng maayos at masustansyang pagkain. Kabilang dito ang gulay, matatabang isda, avocado, dark chocolate, olive oil, at flaxseeds. 3. Uminom ng madaming tubig. Kung kaya ang mahigit 2 litro, mas mainam. 4. Iwasan ang alak, mabilis maka dehydrate ang mga ito. 5. Iwasan din ang paninigarilyo, mabilis makatanda ito. 6. Hugasan ng madalas ang mukha, lalo na kung pinagpawisan ito, kahit dalawang beses maghapon, maiiwasan ang oily skin. 7. Kung kaya mag cleanse ng balat, para matanggal ang tinatawag na dead skin. 8. Mas mainam na makapaglagay din ng moisturizer, para hindi din agad agad matuyo. 9. Kung may iba pang ipapahid, lalong lalo na sa mukha, na mahapdi o masakit, ay tigilan ito. 10. At higit sa lahat, huwag sumimangot, nang hindi maging permanente ang mga guhit nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kahit anuman ang gawin natin sa atingkatawan, pinakamahalaga pad in ang disposisyon ng ating pagiisisp. Mas maligaya tayo, mas mababawasan ang stress, mas babagal ang pagtanda natin. Kaya keep smiling!

Hanggang sa susunod! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.