Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC barangay chairman posibleng malagay sa ‘hot water’

0 219

DAHIL sa paglabag sa health protocol tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec Martin Diño na posibleng managot ang barangay captain sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Quezon City matapos mahigit 50 katao na dumalo sa pool party ang nagpositibo sa Covid-19 sa ginawang kasiyahan.

Ayon kay Diño Undersecretary for Barangay Affairs, talagang tatamaan ang Kapitan matapos hindi umano maipatupad ang health protocol bunsod ng paglaganap ng nakamamatay na sakit na Coronavirus.

Sa isang panayam kay Diño sinabi nitong hindi maaaring idahilan ng kapitan na hindi nya alam ang naturang pool party.

“Talagang tatamaan dyan ang Kapitan at maaaring sumailalim sa imbestigasyon lalo may mga nagpositibo sa Covid-19 sa mga dumalo sa naturang okasyon” ani pa ni Diño.

Nabatid sa ulat na tinatayang mahigit 600 katao ang pinaniniwalaang dumalo sa naturang kasiyahan na pool party sa naturang barangay.

Sinabi pa ni Dino na posible rin maisyuhan ng showcase order ang Kapitan ng Nagkaisang Nayon na si Brgy. Captain Feliciano dela Cruz para magpaliwanag kung bakit naganap ang pool party gayong nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

“Hindi nya puwedeng idahilan na hindi nya alam ang naganap na kasiyahan” paliwanag pa ni Diño. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.