Abante Tonite Interactive

QC buy-bust nauwi sa shootout, 5 bulagta

By
194

Limang miyembro ng gunrunning syndicate ang napatay ng mga o­peratiba ng Quezon City District Special Ope­ration Unit (DSOU) nang manlaban at mabaril ang isang pulis na tumayong buyer ng baril sa lungsod kahapon.

Sa inisyal na report kay Quezon City Police District (QCPD) director Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., isa sa limang gunrunner na napatay ay nakilala lamang sa pangalang Michael Desuyo, tubong Pampanga.

Naganap ang engkuwentro sa pagitan ng mga operatiba ng QCPD-DSOU at mga miyembro ng gunrunning syndicate dakong alas-5:10 ng hapon kahapon sa De Vega Compound corner Dahlia at Iris Sts., Brgy. Fairview, QC.

Abante Hiring – IT dep

Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa iligal na pagbebenta ng mga baril ng mga suspek kaya agad silang nagkasa ng buy-bust ­ope­ration laban sa mga ito.

Tumayong buyer si PO1 Ronald Pornea su­balit nang makahalata umano ang mga suspek na pulis ang kanilang kaharap ay agad itong binaril kaya nasugatan. Agad namang naglabasan ang kanyang mga kasamahang pulis at niratrat ang sinasabing mga gunrunner.