Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC jail riot sumiklab sa BCJ

0 21

Ang tangkang pagpasok ng isang miyembro ng Batang City Jail sa teritoryo ng Commando Gang ang dahilan umano ng pagsiklab ng riot sa Quezon City Jail nitong Biyernes kung saan isang preso ang nasawi habang walo ang sugatan.

Ayon sa source, isang miyembro ng BCJ ang nakaakyat sa ikalawang palapag ng city jail kung saan nakapiit ang mga Commando.

Subalit hindi pa man nakakapasok sa teritoryo ng Commando ay hinablot umano ang miyembro ng BCJ ng isang preso na naging dahilan ng kaguluhan.

Maging ang mga miyembro umano ng Sigue Sigue Sputnik Gang at Bahala na Gang ay nadamay at nasaktan sa batuhan kung kaya’t sumangkot na rin sa riot.

SM food to go Banner Ad

Mahigit 30 minuto umano bago natigil ang riot taliwas sa inisyal na ulat ng Bureau of Jail Management and Penology na limang minuto lang tumagal ang kaguluhan.

Batay sa imbestigasyon ni Corporal Christian Loyola ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, sumiklab ang riot bandang alas-tres ng hapon at kinilala ang nasawing preso na si Reyan Jaresco Tolentino, 39, miyembro ng Sigue Sigue Sputnik.

Sugatan naman ang mga bilanggo na kinilalang sina Hero Herrera, 36; Jonar Gerardo, 24; at Tasio Ramos, 26, pawang miyembro ng Sigue Sigue Sputnik; Marvin Samson, 36; Rommel Engo, 34; Agosto Borromeo, 32; Noel Solapa, 46; Warlito Roco, 41, at Carl John Pinangay, 22, mga miyembro naman ng Batang City Jail. Ginagamot sila sa East Avenue Medical Center.

Inutos na ni Mayor Joy Belmonte na masusing imbestigahan ang nangyaring riot para malaman ang puno’t dulo at maparusahan ang mga nagpabaya sa kanilang tungkulin. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.