Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC kap nag-videoke na walang face mask, yari sa DILG

0 240

Pinadalhan ng show-cause order ang isang barangay chairman sa Quezon City matapos mag-viral ang video kung saan makikita ang pagbi-videoke nito na walang suot na face mask.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Usec. Martin Dino, nilabag ni Barangay Alicia Chairman Ric Corro ang health protocols dahil wala itong suot na face mask at dumalo rin sa isang social gathering na birthday party.

Kumalat sa Facebook ang video ng pagkanta ni Corro sa isang birthday party sa Bulacan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat, sinabi ni Corro na sa loob naman ng bahay ginanap ang birthday party.

Paliwanag pa niya, mahirap kumanta nang naka-face mask.

“Saan naman kayo nakakita ng kumantang may mask?” depensa ng chairman. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.