Abante Tonite Interactive

QC maglalagay ng solar panel sa mga paaralan

309

Pinahayag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ng plano na magkaroon ng mga solar panel ang lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Sa ginanap na pagpupulong sa Local School Board, sinabi ni Bautista na sa kasalukyan ay nakapagpatayao na ang pamahalaang lungsod ng kabuuang 146 na mga classroom at building na inaasahang makakapagpataas sa bill ng kuryente.

Kaya naman makatutulong umano ang paglalagay ng mga solar pa­nel sa mga paaralan.

“When the electricity bill is reduced, their savings can be used for other education programs,” ani Mayo­r Bautista.

Ang naturang plano ay kaugnay sa inis inisyatiba ng lungsod na gumamit ng alternatibo at renewable source ng enerhiya tulad ng solar power.

Noong 2017, nakapaglagay na ng mga solar panel ang lungsod sa tatlong gusali ng Commonwealth High School. (Riz Dominguez)