Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC, Manila, Cebu kabilang sa top 6 ng virus case

0 360

Istriktong mino-monitor ng Department of Health (DOH) ,ang anim na lugar sa bansa na nagkaroon ng mataas na kaso ng COVID19 nitong nakalipas na linggo.

Nabatid kay Health Undersecretary Rosario Vergeire na kabilang dito ang Cebu City, Cebu province, cities of Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu, Quezon City at Manila.

“Ito iyong top 6 na tinututukan namin dahil sila iyong nakapagtala ng maraming kaso ng COVID-19 the past week,” ayon kay Vergeire sa ginanap na virtual forum.

Nilinaw naman ni Vergeire na ang nationwide case doubling rate ay nanatiling pitong araw sa 7.7 days, at 60% lamang ng critical care facilities ang okupado. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.