Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC manyak natunton sa Maynila

0 65

Nagwakas ang mag-a-anim na taong pagtatago ng isang 60-anyos na umano’y rapist matapos matunton kamakalawa ng umaga sa Port Area, Maynila.

Nasa kostudiya na ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Val Guerrero, balo, taxi driver at residente ng Magdalena St., Sitio Aruadiente, Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay P/SMS. Alvin Chong ng MPD – Police Station 13, alas-11:30 ng umaga nang arestuhin si Guerrero sa Baseco Compound sa Port Area.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya ukol sa kinaroroonan ng suspek.

Bitbit ang arrest warrant na may petsang Oktubre 12, 2015 at inisyu ni Hon. Angielyn Mary Quimpo-Sale ng Quezon City Regional Trial Court Branch 106 nang posasan si Guerrero.

Walang inilaang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek at nakatakda itong i-turn over sa Quezon City jail. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.