Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC may dagdag 300 contact tracer

0 358

Mula sa higit isang libong aplikante, tinanggap ng Quezon City government ang nasa 300 contact tracer para lalong malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

Kabilang sa mga napililing contact tracer ay mga registered nurse, medical technologist, pulis, at taga-barangay. Sabi ni Rolando Cruz, pinuno ng epidemiology and surveillance unit ng QC government, gumawa na sila ng 30 team ng mga contact tracer, na ang pangunahing gagawin ay hanapin ang mga nakasalamuha ng COVID-19 patient sa lungsod at alamin ang mga ginawa ng mga ito sa nakalipas na 2 linggo.

Sumailalim umano ang mga bagong contact tracer sa 1-day training, at natuto kung paano magsuot ng protective gear at epektibong mag-interview. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.