Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC nag-lockdown sa Brgy Tatalon

0 215

Isinailalim sa lockdown ang isang lugar sa Brgy. Tatalon, Quezon City matapos na muling tumaas ang mga kaso ng COVID-19.

Ayon sa ulat, Miyerkoles ng hatinggabi isinailalim sa ‘special concern lockdown’ ang Manunggal Cluster 5 at matatapos sa Abril 29.

Nagtalaga na rin sa lugar ng mga tauhan ng Quezon City Police para alalayan ang mga barangay personnel sa pagpapatupad ng lockdown.

Pumalo na umano sa 12 ang nagpositibo sa lugar subalit maaari pang tumaas ang bilang sa oras na masimulan ang pagbabahay-bahay para isailalim sa swab test ang mga residente.

Nabatid na halos 250 pamilya ang apektado ng lockdown sa Manunggal Cluster 5. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.