Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC pinakamarami uli sa bagong kaso ng virus

0 79

Naitala uli sa Quezon City ang pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 infection sa buong bansa, base sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-kuwatro ng hapon ng Miyerkoles, Disyembre 23.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 284, inihayag na nakapagtala ng 123 bagong infection sa Quezon City habang pumangalawa ang lalawigan ng Rizal na may 84, kasunod ang Maynila na 74 samantalang 54 sa Davao City at 49 sa Batangas.

Nasa 1,196 ang mga bagong kaso kaya umakyat na sa 464,004 ang kabuuang bilang ng virus infection sa bansa.

May 564 na bagong gumaling kaya nakapagtala na ng 429,972 kabuuang bilang ng nakarekober sa COVID.

Nadagdagan naman ng 27 katao ang mga nasawi sa virus dahilan para umakyat sa 9,048 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa nasabing sakit.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.