Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC plastic ban simula March 1

0 61

Ipatutupad na ng pamahalaang lokal ng Quezon City simula sa March 1, 2021 ang ordinansang pinagtibay para sa plastic waste reduction program ng lungsod.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 2868-2019, ipagbabawal na sa mga establisimiyento sa buong lungsod ang paggamit ng mga bagay at iba pang item na gawa sa plastic.

Naglabas ng memorandum si Mayor Joy Belmonte kung saan inatasan nito lahat ng shopping mall, supermarket, fast food chain, drug store, hotel at iba pang establisimiyentong nakarehistro sa Business Permits and Licensing Department na huwag nang gagamit pa ng mga plastic sa kanilang mga kustomer.

May kaukulang multa laban sa mga lalabag sa ordinance katulad ng P1,000 para sa first offense; P3,000 multa at pagbawi ng environmental clearance at cease and desist order sa second offense; at multang P5,000, pagbawi ng business permit at closure order sa third offense.

Nabatid na noong Enero 2020 pa dapat ipatutupad ang plastic ban subalit pinagpaliban dahil sa lockdown. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.