Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QC umapela ng 1 linggong work from home

0 284

Hiniling ng Quezon City sa mga opisina ng national government na sakop ng kanilang lungsod na magpatupad ng work from home scheme simula Lunes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na target nila na malimitahan muna ang galaw ng mga tao kaya mas gusto nilang work-from home una para mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na nakapagtala ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ng 310 kaso ng COVID-19 mula sa 30 opisina ng national government na nakabase sa lungsod simula Enero 2021 kung saan 192 dito ay active cases mula Marso 24.

“Ang nangyayari nakukuha ng isang empleyado sa opisina. Sabay-sabay kasi sila kumakain, magkakasamang nagyoyosi or nag-uusap minsan na walang mask dahil kampante na sa isa’t isa. Tapos mata-transmit niya sa bahay pag-uwi dahil walang health protocols na sinusunod sa bahay,” ayon kay CESU head Dr. Rolly Cruz. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.