Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QCPD hugas kamay sa kinatay na `NDFP consultant’

0 468

Itinanggi ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) na si Randall ‘Randy’ Echanis na sinasabing consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang isa sa natagpuang patay sa Novaliches Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Sa pressconference nitong hapon, sinabi ni QCPD Director P/Brig General Ronnie Montejo na hindi si Echanis ang napatay at taliwas ito sa sinasabi ng mga iba’t ibang militanteng grupo partikular na ang Anakpawis partylist na siyang unang nagkumpirma na ang mataas na lider ng NDFP ang pinaslang.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Montejo na kamukha lang daw ni Echanis ang isa sa mga biktima dahil kung pagbabasehan ang imbestigasyon ng QCPD Police Station 4 at Criminal Investigastion and Detection Unit (CIDU) ay isang Manuel Santiago ang napatay base na rin sa nakuhang ID habang ang kasama naman nito na pinatay din ay si Louie Tagapia.

Ayon pa sa opisyal, patuloy pa rin silang nagsisiyasat pero sa ngayon ay hindi nila kinukumpirma na si Echanis ang napaslang ala-1:35 ng madaling araw (Aug. 10) sa Unit J at K apartment sa No. 14 Petronian St., Barangay Nova Proper, Novaliches, Q.C.

Patuloy na nag-iimbestiga ang QCPD at inaalam ang pagkakakilanlan ng sinasabing limang kalalakihan na may kagagawan ng krimen. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.