Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QCPD reresbak sa mga nambugbog na raliyista

0 247

Magsasampa ng reklamo ang Quezon City Police District (QCPD) sa ilang miyembro at lider ng mga militanteng grupo dahil sa umano’y pagnanakaw at pananakit sa isang pulis sa isang protesta.

Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Ronnie S. Montejo, ang umano’y mga sangkot sa pananakit sa pulis ay sina Karapatan leader, Bryan Gonzales, Kara Levina Taggaoa mula League of Filipino Students (LFS), Larry Balbuena, Pasada Piston at iba pang mula naman sa Bayan Muna, Anakpawis, Sanka, Lumad, Save Our School Network, at Kabataan.

Sa statement ng QCPD, sinaktan at pinagnanakawan umano si Police Chief Master Sargeant Feliciano Evangelio, sa isang rally sa loob ng compound ng Commission on Human Rights compound sa UP Campus.

Dito umano nilapitan sina Evangelio kasama ang lima pang tauhan ng District Special Operations Unit ng ilang demonstrador, kung saan naganap daw ang pagkaladkad kay Evangelio at saka sinaktan.

Pahayag pa ng QCPD, kinuha din umano ng mga raliyista ang gamit ni Evangelio tulad ng mga baril, wallet, cellphone at relo.

“Sasampahan natin ng mga kaukulang kaso ang mga lider at miyembro na nanakit at nagnakaw ng gamit ng ating pulis,” ayon kay Montejo.

Depensa naman ng isang opisyal mula sa Karapatan, wala umano silang miyembro na nagngangalang Bryan Gonzalez, at nakiusap sa pulisya na itigil na ang pangha-harass sa mga raliyista.(RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.