Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QCPD umamin na: NDFP peace consultant ang pinatay

0 392

Inamin na rin ng Quezon City Police District (QCPD) na si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Peace Consultant at Anakpawis Chairman Randall ‘Randy’ Echanis ang natagpuang patay sa tahanan nito sa Novaliches, Quezon City nitong Agosto 10.

Ito ay makaraang lumabas sa ginawang fingerprint examination ng QCPD na ‘one and the same person’ o iisang tao lamang si Manuel Santiago at peasant leader Randal ‘Randy’ Echanis.

Ayon kay PMAJ Elmer Monsalve, hepe ng Crimial Investigation and Detection Unit (CIDU), kinukunan na ng pahayag ang asawa ni Echanis at pagkatapos ay pwede nang iturn-over ang katawan ng biktima sa pamilya.

SM food to go Banner Ad

Aniya, maituturing nang naresolba ang pagkakakilanlan ni Echanis pero tuloy pa rin ang imbestigasyon sa krimen.

Samantala, sinabi naman ni Jerome Adonis, secretary general ng militant labor center Kilusang Mayo Uno (KMU) na malinaw na ‘slay cover-up’ at ‘modus operandi’ lamang ng mga tauhan ng Philippine National Police ang pinalilitaw na isang Manuel Santiago base sa nakuhang ID ang napaslang.

“Walang kwestyon na si Randy Echanis ang pinatay nila. Alam ‘yan ng pamilya at publiko. Pero bakit ninakaw ang bangkay? Dahil ba ebidensya ito ng brutalidad sa ilalim ng rehimeng Duterte? At gayon, gusto nilang wasakin? Walang ibang dahilan ang PNP para gawin ito kundi pagtakpan ang katotohanan at tumakas sa pananagutan sa pagpatay kay Ka Randy ang mga pwersa ng estado,” giit ni Adonis. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.