Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QCPD unang nagpaputok – PDEA

0 119

Pinanindigan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ang unang nagpaputok sa nangyaring `misencounter’ noong Miyerkoles sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Nalaman din na sa inisyal na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), ang QCPD ang unang nagpaputok ng baril laban sa mga ahente mg PDEA.

“Their asset allegedly continued to work on the hand-off despite their struggle to repair the car inside the McDonald’s parking lot. Moments later, an unknown malefactor approached the PDEA asset and immediately shot the latter,” ayon sa imbestigasyon ng NBI.

Nabatid pa na habang nagpapalitan ng putok, nagawa ng ilang ahente ng PDEA na makatawag ng back-up pero dahil mas marami ang mga miyembro ng QCPD ay nanaig sila sa PDEA at napaligiran sila sa bisinidad ng crime scene.

Nalaman nang dumating ang back up ng PDEA ay inaaresto na ng QCPD ang mga miyembro ng PDEA reconnaissance team at nagsimula na nilang saktan ang mga tauhan ng PDEA.

Tiniyak naman ng PDEA na makikipagkooperasyon sila sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.