Abante Tonite Interactive

QCPD walang sasantuhin sa 5 ‘discipline zone’

212

Magsasagawa nga­yong Lunes ng dry run ang Quezon City Police District (QCPD) sa mahigpit na pagpapatupad ng mga batas at ordinansa sa limang lugar sa lungsod na ituturing na ‘discipline zone’.

Tinukoy ni QCPD acting director PBGen. Ronnie Montejo, ang limang lugar kung saan isasagawa ang dry run at kabilang dito ang Cubao, West Avenue, Katipunan Avenue, Timog Avenue-Tomas Morato area, at Novaliches proper.

Ayon kay Montejo, nais nilang magsilbing babala ito sa mga kri­minal at bahagi rin ng pagpapatupad ng disiplina sa mga residente.

Dagdag pa ni Montejo, wala silang sasantuhin sa pagpapatupad ng batas at lahat ng mahuhuling lumalabag ay sasampahan ng kaso at ipakukulong.

Ang mga mahuhu­ling bata ay ibibigay naman sa kustodiya ng City Social Welfare Department.(PNA)