Abante Tonite
Mabilis sa Balita

QR ticket palit sa Beep card

0 249

Nakaisip ng paraan ang AF Payments Inc. (AFPI) para matugunan ang hinaing ng mga pasahero sa EDSA Busway na ayaw sa Beep card bilang pasahe.

Nag-alok ang AFPI sa mga operator ng system upgrade kung saan maaaring gumamit ang mga pasahero ng QR ticket (sa papel man o cellphone) sa halip na Beep card.

Walang bayad ang QR ticket kundi iyon lang pamasahe.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maaaring gumamit ng QR ticket o mobile phone-based QR ticket na makukuha sa mga bank app o eWallet.

Aabutin, ayon sa AFPI, ng apat na linggo ang upgrade sa equipment sa lahat ng bus na pumapasada sa EDSA. Matapos noon, lahat ng mga pasahero ng bus sa EDSA ay maaaring gumamit ng beep card o QR code ticket.

Para naman maibsan ang pasanin ng mga pasahero sa pagbili ng Beep card, mamimigay sila ng hanggang 125,000 na libreng Beep card sa mga nangangailangan, na donasyon ng mga shareholder at business group.

Sakaling kasado na ang QR code ticket system ay hindi na sila mag-iisyu pa ng libreng Beep card. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.