Abante Tonite Interactive

Qualls nilunod ang Ginebra

418

buwena-mano

Naging mapusok buong laban si Michael Qualls habang pumutok sa krusyal na yugto si shooter Garvo Lanete upang itulak ang NorthPort 124-90 sorpresang paglango kontra Barangay Ginebra San Miguel at makauna sa kanilang 44th PBA Go­vernor’s Cup 2019-2020 semis-1 best-of-5 Game 1 Sabado nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumampay si Qualls ng 38 points, 15 rebbounds, 4 steals, 3 blocks at 1 block, samantalang sumukli si Lanete ng 24 markers tampok ang kanyang 6 of 9 sa tres kasama pa ang apat na rebounds at isang assist na kinayod lahat sa second half para makasilat ang NP sa BGSM.

“Just thankful ako sa ibinigay na chance ni coach (Pido Jarencio),” bulalas ni Lanete. “Sabi lang niya sa akin, basta handa ka lang lagi. So grateful for the chance. We can’t celebrate yet, ­kailangan pa namin manalo ng dalawa.”

Ibinagsak ng NorthPort ang 15-4 bomba tampok ang dalawang tres nina Nico Elorde at Lanete matapos na lumapit na lang sa isang puntos na paghahabol ang Ginebra tungo na sa pagsungkit sa unang panalo sa serye at ika-apat na sunod nito simula pa sa sa eliminasyon.

Nakadikit sa 62-63 ang Gin Kings mula sa isang tres ni Justin Brownlee, may 4:40 pa sa third quarter subalit hanggang doon na lang ang kinaya ng crowd drawer na naiwan pa ng 37 sa last frame, 122-85, upang maiwanan sa isang laro sa best-of-five na serye.

Itinala ng Batang Pier ang malaking 37 puntos na abante mula sa 3-poin­ter ni Lanete, 122-85 ni sa natitirang 1:17 sa game.

Si Brownlee ang bigong bumuhat sa ­Ginebra sa 25 pts. at 19 rebs.
Ang iskor:

NorthPort 124 – Qualls 38, Lanete 24, Standhardinger 16, Mercado 14, Anthony 11, Escoto 7, Taha 5, Elorde 5, Cruz 2, King 2.

Ginebra 90 – Brownlee 24, Pringle 21, Aguilar 8, Chan 8, Thompson 7, Dillinger 5, Dela Cruz 4, Slaughter 4, Mariano 4, Tenorio 3, Caperal 2, Devance 0, Caguioa 0, Sargent 0.

Quarters: 22-20, 51-39, 78-68, 124-90. (Lito Oredo)