Abante Tonite Interactive

Quarantine chef

0 252

Ngayong panahon ng quarantine, lumabas ang pagiging malikhain natin sa kusina. Bawat bukas ng cabinet at refrigerator, iniisip natin kung ano ba ang bago nating lulutuin?

Nagsilabasan din ang mga food trends katulad ng Dalgona coffee (Korean beverage na pinaghalo-halong instant coffee powder, asukal at mainit na tubig sa pamamagitan ng whipping hanggang maging creamy at saka dadagdagan ng gatas) at ang sardines pasta mula sa relief packages ng lokal na pamahalaan na kadalasan ay sardinas ang laman.

Maging ang mga artista ay iisa lang ang pinagtambayan sa panahon ng lockdown – ang kusina.

Pasta ang nakahiligan ni Julia Barretto na gawin, at nakikipag-swap pa siya ng recipes sa kanyang kapatid na si Dani. Sa kanyang Instagram post, ipinagmalaki niya ang kanyang ginawang Sausage Aglio E Olio Pasta at ang Rigatoni Pasta.

Pizza naman ang kay Bea Binene na pinuno niya ng pineapples dahil favorite daw niya ito. Nag-bake din siya ng penne pasta at lasagna na nagustuhan ni Bing Loyzaga. Si Bea ay nag-aral ng culinary arts at mahilig talagang magluto bukod sa nagma-manage ng isang coffee shop, ang Mix & Brew, sa SM Mega Mall.

Si Bing Loyzaga ay mahilig naman mag-bake. At ang Banana Bread with Choco Chips niya na mukhang katakam-takam ay ipinagmalaki sa Instagram ng kanyang asawang si Janno Gibbs.

Cakes in can ang kay Ara Mina na isang pastry chef. Mukhang creamy sa sarap! Nagbebenta rin siya nito online.

Fresh fish, vegetables and fruits naman na pang-boodle fight ang handa ni Aubrey Miles para sa kanyang pamilya.

Nag-try si Paolo Ballesteros na mag-paella at di naman siya nabigo. Hindi nagtutong ang kanin!

Halos lahat siguro sa atin ay nag-eeksperimento ngayon sa kusina. Ano pa nga ba ang gagawin natin sa mahabang staycation kung hindi ang kumain? Kaya samantalahin na ang mahabang panahon ng pananatili sa bahay at matutong magluto.

* May gusto ba kayong ibahaging recipes o menu ng inyong restaurant? Ipatikim na! Puntahan lang ang aming FB page: Patikim Nga o mag-email sa marou70@gmail.com

Tonite – Wendys Inhouse Ad