Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quarantine pass gagamitin uli sa Valenzuela

0 89

Nagsisimula nang mamahagi ng bagong quaran­tine pass ang mga barangay sa Valenzuela City bilang paghahanda sa ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) mula August 6 hanggang 20 laban sa pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ang pagpapalabas ng quarantine pass ay base sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para makontrol ang paglabas ng mga residente.

Isang quarantine pass lamang ang ibibigay sa bawat pamilya at ipinagbabawal ang paglabas ng bahay sa curfew hours mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

Paalala rin ng Valenzuela LGU na palaging dalhin ang quarantine pass kapag lalabas ng bahay para mamili ng essential goods habang ang ValTrace QR codes ay kailangan naman na ipakita sa mga malalaking tindahan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.