Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quarantine restriction sa mga senior, minaliit

0 102

Kumpiyansa ang Malacañang na walang kapupuntahan ang petisyon ng isang senior citizen sa Korte Suprema para hilingin na alisin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang restriction o pagbabawal sa senior citizens na lumabas ng bahay habang may COVID pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi sila nababahala sa petisyon ni Atty. Eugenio Insigne na humihiling ng temporary restraining order sa Office of the President dahil ang naging desisyon ng IATF ay batay sa sensiya at medisina.

SM food to go Banner Ad

Binigyang-diin ni Roque na karamihan sa mga namamatay sa buong mundo dahil sa COVID ay mga senior citizen na mayroong mga sakit.

Sa petisyon ni Insigne, hindi umano makatao ang kautusan ng IATF na pagbawalan silang lumabas ng bahay at labag ito sa kanilang karapatang pantao. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.