Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quarantine status sa Iloilo iaapela

0 91

Makikiusap umano si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa national Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na mas maluwag sa enhanced community quarantine (ECQ) ang ipatupad na quarantine status sa lungsod.

Sinabi ng alkalde sa isang pahayag kahapon, bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa lugar ngunit malaki pa rin ang porsiyento ng nagagamit na COVID at ICU beds.

Napupuno aniya ang mga ospital sa Iloilo City dahil dito dinadala ang mga pasyente na galing Antique, Aklan, Capiz, Iloilo province at Guimaras kung saan patuloy ang pagtaas ng kaso.

“We need for the national IATF to understand that we are a regional center. If the city is on lockdown again, so many are out of jobs.”

Hindi rin umano sasapat ang ibibigay ng DSWD na P1,000 ayuda bawat tao at mahihirapan ang mga residente kung magpapatuloy ang ECQ.

Giit ni Treñas, sa Iloilo City ay maayos ang contact tracing, mataas ang bilang ng mga RT-PCR test, maraming quarantine facility at may lockdown sa lugar na maraming kaso. (Aliah Icatlo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.