Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quarantine status sa inbound biyahero, epektibo na

0 96

Iiral na ngayong Huwebes, July 1, 2021 ang pinasimpleng quarantine protocols para sa inbound travellers na ganap ng bakunado sa bansa o sa abroad na nanatili sa mga “green countries”.

Ang Green Countries ay ang mga bansa na kikilalanin ng Department of Health (DOH) bilang low risk areas.

Sa listahan ng Inter-Agency Task Force, ang mga ito ay ang Albania, American Samoa, Anguilla, Antigua and Barbuda, Australia, Benin, Belize, The Britosh Virgin Islands, Brunei, Burkina Faso, Burundi, Cay,an Islands, Chad, China, Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Eswatini, Falkland Islands, French Polynesia, Gambia, Ghana, Greenland, Grenada, HongKong, Iceland at Isle of Man,

Kasama rin sa Green Countries ang Israel, Laos,Liberia, Malawi, Malta, Marshall Islands, Mauritius, Micronesia, Montserrat, Morocco, Mozambique, New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, Northern Mariana Islands, Palau, Rwanda, Saba, Saint Barthelemy,, Saint Kitts and Nevis, Saint Pierre and Miguelon, Sierra Leone, Senegal, Singapore, Sint Eustatius, South Korea, Tawan, Togo, Turks and Caicos Islands (UK), Vietnam at Zimbabwe.

Inihayag din ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang presentasyon ng proof of vaccination status para sa validation ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ay ekslusibo lamang para sa Overseas Filipino Workers na magiging epektibo sa July 5, 2021.

Lahat ng OFWs na may International Certificates of Vaccination ay maaari ng mag-avail sa green lanes simula ngayong Huwebes, July 1,2021 basta nakasunod ang mga ito sa mga itinakdang requirements. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.