Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Quarantine violator sisibakin sa Muntinlupa scholarship

0 296

Nagbabala ang Muntinlupa local government sa mga iskolar nito dahil maaari silang matanggal sa listahan ng programa kapag nahuling lumalabag sa curfew na tinakda mula alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw.

Sa pinirmahang ordinansa ng lungsod, may multang P300 hanggang P1,000 ang mga lalabag sa curfew depende sa ilang ulit na paglabag nito. Habang ang mga iskolar ay may written warning sa unang paglabag at withdrawal naman sa scholarship sa ikalawang offense.

Ipinasa ito kasunod ng pagbabalik ng Metro Manila sa modified enhanced community quarantine na tatagal hanggang Agosto 18. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.