Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que, 2 pa naudlot laro

0 212

Naudlot ang pagsabak nina Angelo Que, Juvic Pagunsan at Fil-Am Justin delos Santos sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 13th leg, ¥80M (P35.2M) 51st Mizuno Open sa JFE Setonaikai Golf Club sa Okayama City, Okayama Prefecture Huwebes.

Delayed ng dalawang oras ang umpisa ng mga aksiyon na mula alas-7:00 nang umaga naging alas-9:00 nang umaga dahil sa pagbuhos ng ulan. Pero muling umulan sa nabanggit na starting time kaya ipinasya ng organizers dakong alas-9:15 nang umaga ang pagkansela sa opening round.

Hangad ni Que ang ikalawang titulo sa mayamang men’s pro circuit, sina Pagunsan at Delos Santos parehong una pa lang. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.