Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que 2-under par 70 simula

0 165

Bumitaw ng two-under par 70 (36-34) si Angelo Que upang mapabilang sa 16 na sosyuhan sa 29th place sa 48th Japan Golf Tour 2020-21, 10th leg, ¥50M (P22M) 1st Japan Players Championship first round sa Nishinasuno Country Club sa Nasushiobara City, Tochigi Prefecture Huwebes.

Iwan siya ng limang palo sa tripleng lider na sina Tadahiro Takayama at Taihei Sato ng host country at Korean Hyun-Woo Ryu na mga nagsumite ng identical 65s sa 144 starters, four-day, 72-hole event. Lamang sila ng one stroke kay Nippon Taichi Teshima (66).

Ang dalawa pang pambato ng ‘Pinas na sina Fil-Am Justin delos Santos at Juvic Pagunsan mga hummpas naman ng 73 at 76 para malagay sa 16-way tie sa ika-86 na puwesto at six-way tie sa 130th, ayon sa pagkakasunod. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.