Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que 28T, kinolekta P150K

0 143

Tumukod sa pinale si Angelo Que nang magsumite ng worst round one-under par 71 (35-36) pa-four-day aggregate 9-under 279 para sa seven-way tie 28th place na may ¥342,500 (P150K) each sa wakas ng 48th Japan Golf Tour 2020-21, 10th leg, ¥50M (P22M) 1st Japan Players Championship sa Nishinasuno Country Club sa Nasushiobara City, Tochigi Prefecture Linggo ng hapon.

Bokya ang dalawa pang Philippine bet sa cash prizes na sina Fil-Am Justin Delos Santos at Juvic Pagunsan na mga na-cut makalipas pa lang ang second round ng torneo.

Nagkampeon si Japanese Naoyuki Kataoka na may 68-273 para sa one-stroke victory sa limang players na lumanding sa ika-2-7 puwesto na kinabibilangan ng apat pang Nippon at isang Amerikano (identical 274s) upang isubi ang ¥10M (P4.4M). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.