Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que 70 tinira sa first round

0 41

Sa likod ng anim na birdie pero may isang double bogey at tatlong bogey, sinalba ni Angelo Que ang one-under par 70 (34-36) upang humanay sa 19 na nasa pang-46 na puwesto sa siklab ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 24th leg ¥210M (P94M) 86th Japan Open Championship Huwebes ng hapon sa Biwako Country Club sa Ritto City, Chiba Prefecture.

Puntirya ng 42-year-old, 5-foot-9 at Manila native na maging panagalawang Pinoy na manalo sa taunang torneo makaraan ni Ben Arda sa pang-39 na edisyon noong 1973. Asinta rin niyang sundan ang tagumpay sa 2018 Top Tokai Classic sa Miyoshi, Aichi.

SM food to go Banner Ad

Nagpasiklab naman si home bet Hiroshi Iwata ng bogey-free eight-under par 63 para solohin ang tuktok sa one-shot lead laban kay Japanese compatriot Tomohiro Ishizaka (64) sa 120-player, 72-hole stroke play, four-day event na may ¥42M (P18.7M).

Isa pang Hopones ang nag-iisa rin sa tersero sa kataauhan ni Yuta Ikeda na may 65. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.