Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que aangas sa ICTSI golfest

0 96

Asinta ni Angelo Que na makapagpakitang-gilas sa pagbabalik sa 10th Philippine Golf Tour 2022 sa pagkasa sa P2M ICTSI Eagle Ridge at Aoki Invitational simula sa Hulyo 5 sa Gen. Trias, Cavite.

Huling umaksiyon ang maraming ulit nang nagwagi sa PGT nang pumang- 11 sa ICTSI Eagle Ridge Challenge, sa Aoki rin, na pinamayagpagan ni 2016 Rio de Janeiro Olympian Miguel Luis Tabuena noong 2021,

Katutuloy lang ng kampanya niya sa Japan Golf Tour kung saan nagmintis umabante sa huling dalawang bahagi roon, sa Asia Pacific Open Golf Championship at sa Golf Partner Pro-Am Tournament parehong sa Ibaraki nitong Mayo. Sumalo siya sa pang- 47 sa The Crowns sa Aichi noong Abril.

Pero galing sa sapat na pahinga at gutom sa lokal na korona ang dating hari ng Philippine Open sa puntiryang mapanalunan ang 72-butas na kampeonato ng International Container Terminal Services, Inc. na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

Makakasabay ng PGT ang Ladies PGT sa pang-apat na pagkakataon ngayong taon.

“I played last in Japan last month and has spent time with my family since,” bulalas Miyerkoles ni Que. “With enough rest, I think I’m prepared for next week’s tournament.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Balik din sa si Keanu Jahns na atat sa bonggang pagtatapos mula sa kambal na pagsegunda noong 2019 sa Apo Golf Invitational at sa The Country Club Invitational.

Tampok pa sa mga hahambalos sa Eagle Rige sina Caliraya Springs leg runaway winner Zanieboy Gialon at Dutch Guido Van Der Valk, na nakaungos kay Tabuena sa sudden death sa pagkopo sa korona ng ICTSI Splendido Taal nitong Mayo.

Hindi makakalahok ang nagkampeon sa PGT kickoff leg sa Luisita noong Marso na si Tabuena, alpas din sa playoff laban kay Clyde Mondilla, sa susunod na linggong torneo dahil sa pagpalo sa US habang umatras si Mondilla dahil sa mas may maagang natanguang lakad.

Pero nanatiling malalim ang talento ng mga kasali dahil naririto sina Michael Bibat, Jay Bayron, Antonio ‘Tony’ Lascuña, Reymon Jaraula, Ruperto Zaragosa, Jerson Balasabas, Jhonnel Ababa, Fidel Concepcion, Jun Bernis, Marvin Dumandan, Gerald Rosales, Nilo Salahog, Eric Gallardo at Rufino Bayron.

Nagpapalaman pa ang beteranong sina Francisco Miñoza at Roberto Pactolerin at mga batang sina Ira Alido, na atat sundan ang unang tagumpay sa 20220 PGT Riviera Championship, Lloyd Go, Sean Ramos, Ivan Monsalve at Dan Cruz. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.