Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que aasinta uli ng titulo

0 77

Tapusin ang may tatlong taong pagkauhaw sa titulo o sungkitin ang pangalawang trono sapul noong 2015 ang misyon ni Angelo Que kapag humampas ang 48th Japan Golf Tour 2020-21 23rd leg ¥110M (P50.2M) 49th Bridgestone Open Golf Tournament sa Sodegaura Country Club-Sodegaura Course sa Wakaba-ku, Chiba Prefecture sa Oct. 7-10.

Sinungkit ng 42 taong-gulang na Pinoy shotmaker mula sa Manila na itinataguyod ng ICTSI, ang unang trono sa pinakamayamang men’s pro circuit sa Asia, ang Top Tokai Classic sa Aichi na may katapat na ¥22M (P10M) noong Sept. 2018.

Dumating iyon sa pang-apat na taon niyang pagkampanya sa JGT bilang regular member. Pero pagkaraan, wala nang napanalunan si Que. Ang est-finish niya sa isang event ay joint fourth mula noong 2019 hanggang ngayong taon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.