Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que abante sa ‘JGT’ finals

0 173

Naatang na lang sa balikat ni Angelo Que ang pag-asa ng ‘Pinas nang mag-isang pumasok sa finals at sumablay sina Juvic Pagunsan at Fil-Am Justin Delos Santos sa 48th Japan Golf Tour 2020-21, 10th leg, ¥50M (P22M) 1st Japan Players Championship second round sa Nishinasuno Country Club sa Nasushiobara City, Tochigi Prefecture Biyernes.

Level up ang game ni Que ng Maynila sa binitaw na four-under par 68 (34-34) para sa umangat sa eight-way tie 18th place sa six-under 138 aggregate, six strokes down lang sa bagong lider na si Katsumasa Miyamoto ng host nation (64-132).

Isang palo lang ang bentahe ni Miyamoto sa compatriot na si Tadahiro Takayama (68-133) kasunod ang isang Koreano at tatlo pang Hapones na may identical 135s.

Hindi pinalad sa last two round finale si Delos Santos na kapos lang ng isang palo sa cutoff scores na may 70-143 upang malagak sa 13 magkakabuhol para sa ika-74 na puwesto, habang may 80-156 si Pagunsan para sa 141st slot. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.