Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que asinta ika-2 titulo sa Japan

0 178

Pupuntiryhin ni Angelo Que ang ikalawang titulo sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 sa may 28 buwan sa pagsiklab ngayong Huwebes ng 11th leg ¥100M (P44M) 44th Asia Pacific Diamond Cup Golf sa East Course ng Sagamihara Golf Club sa Sagamihara City, Kanagawa Prefecture.

Sapul nang maging regular campaigner sa mayamang Asia’s men’s pro circuit noong 2015, tanging nakopong trono ng edad 43, 5-8 ang taas at tubong Maynila na nag-pro noong 2003, ang Top Cup Tokai Classic noong September 2018 sa Aichi via two strokes victory kay Korean Won Joon Lee.

Bibit ni Que sa 144-player, 72-hole, 4-day golfest na aabutin sa May 16 ang 28T finish na may ¥342,500 (P150K) sa nakaraang Linggo na ¥50M (P22M) 1st Japan Players Championship sa Tochigi Prefecture.

Papalo rin sa Asia Pacific ang dalawa pang pambato ng ‘Pinas na sina Juvic Pagunsan at Fil-Am Justin Delos Santos. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.