Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que balik aksiyon sa Japan

0 284

Muling hahambalos si Angelo Que sa 48th Japan Golf Tour 2021 sa pagbahagi sa 17th leg ¥120M (P55.1M) 16th Shigeo Nagashima Invitational Sega Sammy Cup sa The North Country Golf Club sa Chitose City, Ishikari Subprefecture, Hokkaido na sisiklab ngayong Huwebes.

Huling lumaro ang 42-year-old, Manileño sa JGT 16th leg Japan Professional Golf Association Championship noong Hulyo 1-4 sa Nikko City, Tochigi Prefecture kung saan na-cut siya tapos tumabla sa 77th sa halfway mark.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hangad ng Pinoy shotmaker na makabawi mula roon, at masundan sakali ang una niyang career win sa mayamang pro circuit makaraan ang 2018 Top Cup Tokai Classic sa Miyoshi, Aichi na nagkakahalaga ng ¥22M (P10.1M).

Makakasama ni Que ang isa pang pambato ng ‘Pinas sa 138-player, four-day event si Fil-Am Justin delos Santos na naghahangad ding makabawi buhat sa tatlong sablay sa sa Tour, pinakahuli ang 15th leg ¥50M (P22M) Dunlop Srixon Fukushima Open sa Fukushima noong Hunyo 24-27 na rito’y 121st siya sa second round. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.