Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que, Delos Santos sa finale

0 52

Nangapa si Angelo Que sa pinalong two-over par 73, lalo na si Justin delos Santos sa five-over par 75, pero sapat upang mga sumulong sa weekend play ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 19th leg ¥110M (P50M) 49th Fujisankei Classic sa Fujizakura Country Club sa Otsu City, Shiga Prefecture Biyernes ng hapon.

May halfway mark one-under par 141 ang 43-year-old Pinoy mula sa Manila na si Que kasama ang opener 68 para humilera sa anim na nasa ika-16 na puwesto, apat na palo lang ang layo kina co-leaders Korean Hyun Woo Ryu (69), at home bets Tomoharu Otsuki (66) at Ryo Ishikawa (68) na may identical 137.

SM food to go Banner Ad

Kasama ang 68 na nagpatabla sa kanila ni Que sa 10-way tie sa third place sa first round, nalaglag ang 26-anyos na Fil-Am na si Delos Santos sa 12 magkakabuhol para sa 31st spot, lumagot sa limang sunod niyang sablay sa cut sa mayamang men’s pro circuit.

Top 61 at ties ang mga papalo pa sa last two round finals na garantisadong magpapartihan sa cash prizes, tampok ang top purse ¥22M o halos P10M. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.