Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Que, Delos Santos sa finals

0 57

Sapat ang second round na one-under par 70 ni Angelo Que at ang three-under par 68 ni Justin Delos Santos upang pumasok sa weekend play ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 22nd leg ¥110M (P50.2M) 51st Vantelin Tokai Classic sa Miyoshi Country Club West Course sa Miyoshi City, ,Aichi Prefecture Biyernes ng hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaama ang 70 rin sa opening, may 140 na si Que, 43, at suportado ng ICTSI, kagaya ng iskor ni Delos Santos kasa ang pitong iba pa para sa pang-32 puwesto ng 72-hole stroke play, four day event na matatapos sa Linggo. May 72 start si Delos Santos.

Pero napag-iiwanan na ang dalawang pambato ng ‘Pinas ng nine shots ni solo leader home bet Yuki Inamori na may 65-131, isang palong agwat lang kina Japenese compatriot Yuwa Kosaihira (66) at American Chan Kim (68) na may parehas na tig-132. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.